top of page
Search

Pagsubok ng Manunulat

Writer: johnkenson24johnkenson24

Sinubukan kong magsulat muli

Sa kadahilanang nababalot ako ng pighati.

Pighating dulot ng kanyang paglisan.

Paglisan at tuluyang pagkalimot sa nakaraan.


Malamig sa pakiramdam,

Nangangatog na mga laman.

Ngunit wala nang mga kamay na yayakap

Wala nang init ng pagmamahal.


Hinahanap-hanap sa gabi-gabi

Pagmulat at pagpikit

Ang kislap ng mga matang kumikinang

Na kahit masakit, ay masarap pagmasdan.


Pagsulat at pagbasa ng mga salita

Mga salitang di naman nawika

Salitang di nagawang bitawan

Na hanggang ngayo'y nakabalalak pa sa lalamunan.


Pagsubok ng manunulat na nahinto

Sa agos ng buhay, siya ay nabalaho

Sumusubok umahong mag-isa

Walang malapitang kaibigan o pamilya.


"Kakapit pa ba, o bibitiw na

Wala namang nakakapansin o nakakaalala."

Wika niya, sa sariling nagdurusa

"Sa pagsulat muli ay susubok pa ba?"

 
 
 

Recent Posts

See All

The man lied in bed

A man is lying in a bed thinking to himself, "What happened to me?" He looked around wearily even though his eyes were closed. Two or...

Waiting for a friend

24 hours compose a day, But only one day each year Can I become a selfish man A man who can steal a wish. I was born and raised in fear...

Comments


Post: The Chapters

Bagang Chronicles

Philippines

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by K's Worlds. Proudly created with Wix.com

bottom of page